June 14. Back to aula ang drama ng ateh mo. Matapos ang isang buwan ng pagiging "idle" sa hindi pag-aaral ng Spanish ayan balik IC ulit ako bilang isang nivel seis na estudyante. Medyo venga kasi nag-skip ako ng nivel 5 dahil nagbago ang curriculum kaso nga lang hindi lang nivel ko tumaas kundi pati ang aking matricula.
Madaming pagbabago ang nangyayari--isa na diyan yung sked na 9-12 (mula sa pagiging 1-4 dati), panibagong mga kaklase, pakikisama at bagong professor.
Dahil First day, ayan na naman ang introduce yourself chenes na sobrang nahirapan ako dahil hindi ko na maalala ang preterito indefinido at perfecto. tsk. ayan kaya noong tinanong QUE HAS HECHO? tsug. sabog di na makasagot. Hay. Pati media noche nalimutan ko na. Hay ayan hindi kasi nag-aaral eh. On positive light(ayan gud news), naiintindihan ko naman halos yung sinasabi ng professor ko at mga kaklase ko.. hehehe
Dahil sa pangyayaring ito, naisip ko na dapat seryosohin ang pag-aaral nito, like mag-review naman bago pumasok o manood o makinig ng mga bagay bagay na related sa spanish. hay. sana maging maayus naman ang lahat...
Hablar Español es muy dificil
Labels:
eklaboo,
Tall tales
- Monday, June 16, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)