Usapang bigas at pag-aasawa

Matagal-tagal din hindi nakapag-email ang tatay ko sa akin. Kadalasan bawat araw mayroon yun sulat kahit na kakapirangot ang sinasabi, na ,minsan pa't puro mga paalala at mga kamusta eklaboo. Malamang busy sa trabaho ngayon si tatay kaya ayun makalipas ang isang buwan dun lang nagparamdam. Ito ang nilalaman ng email niya: (na kinatuwa ko)

Hi kumosta uli kayo dyan? at kumosta naman ang trabaho mo IHA? ako okey lang dto,,hay kawawa naman ang walang pambili ng bigas biroin mo ang haba ng pila para lang makabili ng NFA rice nakita namin kasi sa balita dto! nakita namin kong mag kano na ang kilo ng bigas...Mabuti kayo ay may roon pang bigas at bangitin mo sa nanay mo na bumili na ng maraming bigas....e komsta naman si noynoy??? nako kaya ikaw kong mag a asawa ka yong marami ng bigas as practical...hehe uhm..osigi walang pikunan....ingat lang parati..iwasan ang sobrang pag pupuyat baka lumabas ang tagyawat...

Natatawa ako kasi andami naman pwedeng sabihin like mga bilin but NO—kelangan mag-imbak ng bigas. Tapos nagkaroon din ng bagong standard sa pag-aasawa: kelangan maraming bigas. Hehehe.. Haciendero na ngayon ang bagong "ideal guy." Hehehe. Pero seryoso tama din si tatay kasi andami na ngayong naghihirap at swerte pa din kami kasi hindi namin nararanasan yung ganun.

miss ko na tatay ko :(

1 speak up:



daudacity2drm said...

nakakatuwa naman to badette :-)