Nakakainggit panoorin ang mga batang masayang naglalaro at naliligo sa ulan, walang pakialam sa dumi ng tubig (sabi kasi nila ang ulan daw galing sa laway ng mga tao or collective saliva) o kung magkakasakit man sila sa pagligo dun. Nakakainggit kasi kebs lang tapos ang gaan-gaan ng mundo para sa kanila.
Noong bata ako madalas kong pagdasal na sana umulan ng malakas (hindi lang para walang pasok sa school) dahil mahilig akong maligo sa ulan. Gustong-gusto ko nun ilapat ang aking mga paa sa baha, kahit man alam kong marumi yun. Wala lang. Masarap kasi yung pakiramdam na yung agos ng baha dumadaan sa paa mo. Isa pang paborito ko nun ay yung magwalis ng mga dahon nagkalat sa aming bakuran (kunwari may silbi ganyan) atsaka tumapat sa alulud (na malamang madumi) na pawa bang shower ito.
Masaya ako kasi noong isang araw nakaligo ulit ako sa ulan. Grabe, na-miss ko gawin yun. Habang naliligo ako sa ulan feeling ko nawala ang mga problema, worries, concerns ko na tila ba inagos na ng ulan papunta sa kawalan. At higit sa lahat, feeling ko malaya ako, ako'y bata muli.
0 speak up:
Post a Comment