Noong Sabado balik Spanish class ulit ako matapos ang Xmas vacation ng dalawang linggo. Kagaya ng normal na estudyante, tinatamad din ako pumasok kahapon kaso naisip ko naka-2 absent na ako so hindi na pwedeng hindi ako pumasok. Atsaka sayang din naman yung binayad ko kung hindi ko rin naman papasukan di ba? So ayun, pumasok ako ng hindi man lang nagreview o nagbuklat ng aking libro. Hindi ko din tinanong ang kaklase ko kung may assignment ba kami.. haayy..
Pagdating sa aming "aula" medyo windang windang ako kasi may HW pala tapos napagtanto ko na hindi ko na maalala ang mga pinag-aralan namin dati.. tsk tsk! pero ayun steady lang tapos unti-unti naman bumalik sa aalala ko yung mga "ir de compras" "tener + que+ infinitivo" ganun.
Halos nagsagot kami ng exercises lang sa buong 3 oras. Ayus naman kaso minsan gusto ko din magtuturo yung teacher namin. Pero mukhang siya din ay may hang-over pa ng bakasyon kaya ayun. Para naman maaliw ako tinuon ko ang aking atensyon sa isang kaklase ko na itago na lang natin sa pangalang "Samson." Si Samson ay nakakatawa pero kapag seatmate mo sya naku po patay ka, kasi nakakastress sya sobra.. as in.. alam mo yung laging nagpapanik kahit pa simple lang ang tanong ng teacher tapos may pagkamakulit ganun. Haayy.. sabi nga ng isa ko pang classmate, "ansarap maglaslas dito sa klase, nakakastress ang mga tao!" (hehehe)Hindi lang si Samson ang nakakawindang sa klase meron pang isa na itatago na lang natin sa ngalan na "Aklan." Si aklan ay sobrang galing at hanga ako sa kanya dahil bibo kid siya tapos ayun dami rin alam sa Spanish kaso naman minsan kasi tanong ng tanong. Kaka-explain pa lang ng teacher, may tanong agad.. kulit grabe. mabait sana kaso kalurkee es talaga!!
So ayun balik tayo sa Spanish class, kahapon tinuro sa amin ang progressive action na gagamitan mo ng "IR + a + infinitivo" por ejemplo: voy a charlar (im going to chat) o di naman voy a leer los libros (i'm going to read books) so ayan... may bagong kaalaman na ako.. hahaha
May fiesta (party sa ingles) sa may instituto kahapon kaso di ako sumama dahil mit ko pa sina ruby at emili.. (big announcement). Bago ako umuwi nakita ko pa yung dati kong teacher tapos ayun chika-chika buti na lang nasabi ko "uyy" imbes na "puff" nung nakita ko sya malapit sa CR.. expression niya kasi ang "puff" baka isipin niya ginagaya ko sya.. hahaha
Sa rob gale kami nagkita nila ruby at emili.. at dahil sa hindi pa ako nag-lunch sobrang gutom na gutom ako.. grabe lam mo yun 2 rice nakain tapos nag-Fries pa ako after nun.. so takaw.. sabi ko pa naman.. magdiet na ako.. tsk tsk..
sobrang broke ako.. sa Biyernes pa ang sweldo tapos 500 na lang pera ako... huhuhuhuhu.. naku po... haaay...Help me, Lord. :O
Last Friday, nagpunta ako sa Makati para sa contract signing tapos kakainis lang kasi bat kelangan punta dun eh pwede naman sa opis di ba? kainis. Ayukong nagpupunta sa Makati dahil unang-una malayo sya.. pangalawa pakiramdam ko maliligaw ako dun kahit pa man nakailan punta na din ako dun. Tapos may feeling pa ako na yung driver at yung mga katabi ko sa dyip, alam na hindi ko lam kung san ako baba talaga.. ewan ko ba.. hay.. paranoid.. hehehe... buti na lang hindi ako naligaw at nakita po si suzette dun pakalat kalat.. hehe
2 speak up:
ayoko rin nagpupunta sa Makati -- feeling ng Makati ang susyal susyal niya
parang ang saya ng klase! sarap mag-aral woooo!
at agree ako kay macky, ayoko rin nagpupunta sa makati. hanggat kayang iwasan, iiwas hehehe.
Post a Comment