Kahit pa man maulan (sa bandang Kalaw) at mainit (sa banding Buendia) ay tinuloy pa din naming ni Shella ang pagpunta sa 29th Manila International Book Fair sa may SMX Convention Center. Ikalawang taon na namin pumunta dun. Asteeg kasi~ daming libro, daming tao, daming manunulat at mambabasa. Siguro para din siyang pagtitipon ng mga Pinoy na may hilig sa pagbabasa. Maraming bookstores ang sumali ngayon taon andyan ang Anvil, Goodwill, A Different Bookstore, Bookmark, C& E Publishing, OMF, National Bookstore at Powerbooks.
Last year, sa sobrang excited ko kung ano yung makitang book hala bili na pero ngayon taon naghinay-hinay ako. Umikot muna kami ni Shella tas tinimbang kung sulit ba yung book na nakita namin. Heto ang mga librong nabili ko:
- Kaluluwa by J Neil Garcia (favorite ko to, asteeg ng mga tula )
- Jolography by Paolo Manalo (medyo nagsisi ako na binili ko to for P250.. haay)
- Master and Margarita
- LadLad 2 by J Neil Garcia
- Prose and Poems of Nick Joaquin
Hindi ko na maalala yung iba… kelangan ko na talagang mag-Vitamin B.
Nakakatuwa na may mga ganitong event kasi nakakatulong ito upang in “instill” ang hilig sa pagbabasa sa kabataan. Gaya nga ng nabanggit ko para tong pagtitipon ng mga mambabasa ng iba’t ibang edad at estado sa buhay. Patuloy nitong binubuhay ang imahinasyon at ang kultura ng pagbabasa na sinasabing unti unti ng namamatay.
Maraming yaman dala ang bawat aklat at libro. Ang pagbabasa ay isang uri ng paglalakbay tungo sa pagtuklas sa significant human experience sa buhay ng na sinulat ng isang tao sa ibang panahon at lugar pero can relate pa din tayo :)
Heto souvenir photo:
0 speak up:
Post a Comment