An afternoon lesson on happiness and contentment or ang pagbisita sa Asilo



Kahapon nagkaroon ako ng pagkakataon makilala at makasama kahit sa sandaling panahon ang mga bata sa Asilo de San Vicente de Paul. Kasama ang ilang officemates at sa panguguna ni Chris ay bumisita, nakihalobilo, nakilaro ng hephep hurray, tao-bahay-bagyo at picture frame, nakipag-usap, nakicheer, nakisayaw, at nakipagtawanan kami sa mga bata.

Sa hapon na yun, naging ate at kuya rin kami sa mahigit 37 na bata. Bakas sa mga mukha nila ang kagalakan na makita kami. Isa si Mylene at Matet sa mga batang nakilala ko dun. Si matet (11 years old) ay binomba ako ng mga slambook questions like ilan taon na ako, anong grade ko na (sinabi ko kasi 13 years old lang ako... di ko sinabi ito ay noon taon 1998 pa.. hehe). Masayahin na bata si matet at madaldal din siya kasi kahit kakakilala pa lang namin nagkwekwento siya at nakikipagkulitan. Ganun din si Ashley na nagkwento ng tungkol sa kanyang field trip at school. Si Mylene naman, 16 years old ay dating tumira sa may Maligaya (isang lugar malapit sa'min) kaya medyo can relate kami sa fairview stories.

Nag-umpisa ang hapon sa 'cheering competition' kung saan pinakita ni JM at ng group three ang kanilang natatagong talento sa pag-move it move it.. Matapos ang cheering naglaro naman kami ng mga games. Mayroon din hephep hurray game kung saan una akong nasibak. Tapos tsibugan at marami pang kwentuhan...

bago natapos ang hapon, dalawang sayaw ang inihandog ng mga bata sa'min. Umawit din sila ng thank you and nagpasalamat samin. Natouch ako dun sa sinabi nung isang bata, na kung gaano namin sila napasaya at nagpapasalamat siya na kahit gaano kami ka-busy ay nakapunta kami sa Asilo. Sinabi pa niya na kahit isang beses lang namin sila makakasama ay habang buhay na kami magiging parte ng buhay nila.


Sa totoo lang, ako pa yung napasaya at na-touch ng mga bata sa Asilo. although siyempre sana din sa maliit na paraan ko ay natouch ko kahit papano sila. And kahit ilan oras ko lang sila nakasama, masasabi ko na magiging parte na sila ng buhay ko.

Isang learning experience ang Asilo lalo na sa tulad ko na may qualms sa world at sa buhay buhay. Na-realized ko na dapat kahit anong mga pagsubok or estado ko sa buhay, dapat lagi akong maging positibo at may pag-asa. Ayan ang tinuro sa kin ng mga bata. Kung tutuusin sila pa ang may karapatan maging abs bitter herbs sa buhay pero pag nakita mo sila, mararamdaman mo na sobrang positive at masaya sila.

Nakakatuwa sila kasi sobrang grateful sila sa aming pagbisita at talagang winelcome nila kami at tinuring na parang ate at kuya.

Sana makabalik pa ako sa Asilo :)

PS Salamat kay Chris na nag-imbita samin.. next time ulit :)

0 speak up: