after x number of months of waiting, x VRs processed (katas kasi ito ng holiday pay), and pagdarasal na yung makabunot sa kin ay regaluhan ako nito... ay nakabili na din ako ng KOREANOVELA bike. Ansaya ng pakiramdam. Super excited ako kasi antagal ko rin inasam asam ito..
binili ko yung bike sa Raon kasama ang nanay ko. color red yung bike. naisip ko kasi yung tatay ko eh. hehehe. basta nung nakita yung bike may parang music na "starira stadirara" tapos naimagine ko agad ang sarili ko sa bike na yun kaya ayun ang binilli ko. hehehe
wala pa akong naiisip na ipapangalan dito. siguro KB as in koreanovela bike since ganyan ang katawagan ko na. Yung tindero ng bike sabi lady's bike daw yun tapos yung nag-assemble nung bike (na nagsabi rin na maiksi yung binti ko dahil hindi ko abot yung sahig pagsakay sa bike) ang tawag dun ay chinese bike..
after ma-assemble ito ni-road test ko na siya sa subdivision namin. may nagsabi sakin, "wow parang sa pelikula lang ah" may ilan din napatingin,... hahahaa choz.. basta masaya ako.
0 speak up:
Post a Comment