may brown bang plema (?) at iba pang eklaboo

mga umikot-ikot sa aking isipan: plema, ikaw at ang xocolat martinis.

Matagal ko ng gusto matikman yung xocolat martinis (kaso every Friday lang ito ng 5 pm-9 pm). Mukhang pagkatapos na ng AI ako makakatikim nun kasi wala naman akong pasok every Friday. except this Friday. Sked kaguluhan. Kaso may plema ako umikot sa lalamunan, sa dibdib tungo sa baga ko. Pasaway kasi ako! or talagang panahon ito ng pagkakasakit. Madami-dami na rin kaming nagkakasakit dito at may plema.

Pag may plema ka at uminom ka nung drinks na yun magiging brown ba plema mo? maglalasang alkohol at tsokolate ba ito?

Nung Sabado, natulog ako halos buong shift sa opis kasi masama pakiramdam ko at bangenge ako sa neozeps, tapos narinig ko yung mga FMS, nagbulungan, sabi, "Ayan natutulog kakapasok lang niyan eh!"

binigyan ako ng kaibigan ko ng futsal shirt and bag from Thailand. Saya-saya. Namimiss ko ng mag-Futsal kaso after AI pa din ako makakalaro nun. Sked kaguluhan.

Sabi ko ayaw ko na munang magsulat.Pero gusto ko ng magsulat. ngayon. as in ngayon. bukas baka ayaw ko na naman.

Gusto ko pumunta dito




*image galing sa Flicker na isang tao na hindi ko kilala...

0 speak up: