SM far-view in the news

Heto nakuha ko from Mayee:


Last time na may kaguluhan sa sm ayun ata yung may barilan tapos andun kami ng nanay ko sa Dunkin Donuts nagtago kasi nagkakagulo na ang lahat. Basta lahat ng shops sinasarado nila yung pinto nila at walang taong pinapalabas. Akala ko nun may terorista na or hostage drama na nangyayari. Kaloka.

Palagi na lang ako naiipit sa may putukan ng baril, one time nung pauwi na ako sa bahay, mga 10:30 pm na at nag-aabang ako ng bus pauwi sa may tapat ng megamall, nagulat ako kasi lahat ng tao nagtatabuhan tapos may putok tapos nakaladkad ako dun sa bus na papuntang UE Monumento. Sabi nung mga nakasakay ko may naghahabulan daw tapos may mga baril. Hay buti na lang nakaiwas. Thank God!

0 speak up: