We are here (WWE anecdote)

Super masaya ako dahil natupad na din ang isa sa mga pangarap ko: ang makanood ng WWE live!  maraming tao ang nagpunta mapabata man at mapalola, pramis. Hindi ko lang alam kung sino ang kras ni lola dun pero marami akong nakitang mga-70 plus dun na tanders.


 Maraming asteeg moments dun: yung 619 ni Rey Mysterio at yung natanggal ang maskara niya (kung san kinabahan ako ng bongga), yung pag-trash talk ni Chris Jericho, paghiga niya sa rope ng ring sabay dirty finger sa audience at yung paglipad ni Jeff hardy sa ere sa kanyang kakaibang moves.


pangarap audience moment ko: yung tawagin ka at paakyatin sa ring kasama ng isang wrestler (in this case gusto ko si Jeff hardy) tapos yakap at bigyan ka souvenir shirt. Kanina may ganyan moment kaso with tommy dreamer at dun sa isang batang lalake sa ringside na may hawak na poster. naingit naman ako.


Hindi din ganun ka-violent ang laban maliban sa hinampas sa railings ganyan at wala din steel chair moments.


All in all, kahit purita amor na ako sa mahal ng tickets, worth it naman siya. And I'm happy coz I was there. in that particular moment.


 

0 speak up: