hayskul friends reunion

after x number of years, nakita ko rin ang ilan sa mga HS friends ko. Dati rati kasi di ako nakakapunta sa mga reunions namin dahil busy at walang pera. Pero now, thanks to myra and frich ayan nagkaroon ng chance para magmeet kami kahit pa gaano ka-busy. Kahit anim lang kami (Myra, Frich, julius, cecil, Kim at ako) sobrang saya-saya, parang walang nagbago at parang hindi taon ang binilang ng aming di pagkikita-kita.

Venue: Gerry's grill, lunch time. siyempre unang dumating ang cecil na tinambangan ako sa CR nung nakita niya na umalis ako dun sa venue. Sabi niya hinanap niya pa talaga ang kanyang salamin para lang makisigurado na ako nga yun. Tapos late-late ang drama ng ibang lola (as usual late si kimberly) hehehe.. si julius ay galing pa sa kanyang dentist gig sa SM fairview din. At dahil dentista na siya (at may bangs), binigyan niya kami ng tig-isang set ng toothbrush, toothpaste, pang-dila (di ko lam kung ano tawag dun) si kimberly naman mega-promote ng Dayo with matching pamigay ng Dayo calendars dahil yung sister niya na si katrina aka hopia ang nagboses kay mananangurl. Choz

nakakatuwa kasi naloloka kami dahil feeling namin ang tanda na namin dahil ang pinag-uusapan na namin ay trabaho, pera at kung ano ano pa samantalang dati yung crush, HWs at nakakainis na teacher lang ang topics namin. May mga revelations din tungkol sa mga kabatch namin kung ano na nangyari sa kanila. Yung iba nga sa kwinekwento nila hindi na namin kilala ni Kim..

Masaya ang tangahalian except sa ma-asukal na sago't gulaman. Grabe sobrang tamis. Then after Gerry's and some paktyur taking, nag-starbucks kami kung san nakita namin si edison (isang batchmate)..

Kahit pala gaano kayo katagal magkahiwalay ng iyong mga kaibigan, pag tunay ang pagkakaibigan at samahan na mayron kayo, walang nagbabago. Ganun pa rin. Itsura niyo lang ang nagbabago pero hindi ang iyong samahan. labyu HS friends :)

0 speak up: