malungkot pala ang pakiramdam kapag malamig, madilim at nag-iisa ka lang sa opis. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nag-crayola na lang ako ng bonggang-bongga sa cube ko last sunday. Basta naisip ko lahat ng problema ko sa buhay, mga kalungkutan na nangyari at mangyayari. Habang nag-autosubmit ako, tumutulo na lang luha ko tapos hindi ko siya mapigilan. Inisip ko na lang na baka hormonal sadness lang ito. Pero hindi eh, ayaw tumigil eh. Haay...
*********
Pero ngayon, (saturday) kahit nag-iisa ako hindi naman ako naiiyak siguro kasi may multiply sa office (pero using FF dapat at hindi IE)
*********
sa pagbili ng damit pang-xmas party, ito lang na-feel ko: ayuko ng maging mataba at walang pera. kaloka ang hirap kasi bumili ng damit pero ayun nakakita din naman: purple knee length dress at nakakakita na rin akong heyborit kong sandals... kahit medyo mahal sige binili ko na.. minsan lang naman. i think.
********
sana manalo si blue later at sana manalo ako sa raffle :)
*******
Sabi ng isang kaibigan sa opis namin, masyado daw akong idealistic. Totoo kaya yun? ano sa tingin mo?
*******
five out of nine sa xmas mass........ AJA~
********
dahil shifting na ako... wala ng konsepto ng holiday.. may pasok kasi ako... haay.. sighs
*********
sana maging special yung 28
********
itutuloy ko na yung plano. bow.
kahit nag-iisa sa ofc, hindi na naiyak
- Friday, December 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 speak up:
Post a Comment